P400M na tulong pambili ng bagong forward treatment facilities ipinagkaloob ng PAGCOR sa Philippine Army

June 21, 2019 - 08:51 AM

Walong makabagong forward treatment facilities ang nakatakdang matanggap ng Philippine Army para sa mga sundalong nasusugatan sa laban.

Ito’y makaraang pagkalooban ng PAGCOR ng mahigit P400,000,000 ang Department of National Defense o DND para ipambili ng mga nasabing pasilidad.

Pormal na iniabot ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo ang naturang donasyon kay DND Assistant Secretary for Logistics and Acquisition Jesus Rey Avilla.

Mas maililigtas ang buhay ng mga sundalong sugatan sa pamamagitan ng mga mobile treatment facilities kung saan puwedeng magsagawa ng mga dagliang surgical procedures tuwing may military operations.

Sa pamamagitan din nito ay makakapagkaloob din ang Philippine Army ng advanced trauma care sa mga panahon ng disaster relief at humanitarian missions.

Ayon kay Domingo, isang karangalan para sa PAGCOR na makatulong sa mga kagawad ng Philippine Army na nasusugatan sa bakbakan kaya’t hindi ito nagdalawang-isip na pondohan ang pagbili ng mga nabanggit na kagamitan.

Ang nasabing tulong ay hiwalay rin aniya sa president’s socio-civic projects fund na kanilang ipinagkakaloob sa pamahalaan.

TAGS: forward treatment facilities, pagcor, Philippine Army, forward treatment facilities, pagcor, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.