‘Unbundling’ sa presyo ng petrolyo simula na sa July 4
Epektibo na simula July 4 ang utos ng Department of Energy (DOE) sa mga kumpanya ng langis na ‘unbundling’ o paghimay sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.
Ito ay matapos mailathala sa dyaryo ang utos ng DOE na nag-oobliga sa oil companies na isumite ang presyo ng imported na langis, freight cost, insurance at foreign exchange rate.
Kasama ring ipinasusumite ang iba’t ibang buwis, halaga ng biofuel, iba pang gastos at ang mismong kinikita ng kumpanya.
Ayon kay Energy Assistant Secretary Bodie Pulido, layon ng undbundling na malaman kung tama o makatwiran ang pagprepresyo sa langis.
Sa kabila ng utos ng DOE, ilan sa mga kumpanya ng langis ang nakatakdang humiling sa korte ng temporary restraining order (TRO).
Giit ng oil firms, labag ang unbundling sa Oil Deregulation Law dahil may mga impormasyon umanong hindi pwedeng malaman ng kanilang mga kakompetensya.
Tiniyak naman ng DOE na sa kanila lang ang mga datos na hiniling sa oil companies at hind ito isasapubliko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.