Duterte hinikayat ng mga kongresista na mamili na ng susunod na house speaker

By Erwin Aguilon June 20, 2019 - 06:56 PM

Hiniling ng ilang kongresista kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-endorso na ng magiging House Speaker at huwag hayaang maging free for all ang labanan.

Ito’y sa harap naman ng pangambang mag-tandem bilang Speaker at House Majority Leader sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at 1Pacman Partylist Rep Mikee Romero.

Inamin ng isang senior congressman na tumangging magpabanggit ng pangalan na lantaran ang gapangan hindi lamang sa House Speakership kundi maging bilang House Majority Leader.

Kung ganito anya ang magiging sistema, puro walang experience na ang magiging House leaders na wala pang napatunayan sa larangan ng pulitika at walang leadership skills kundi nakatali lang sa dambuhalang negosyante.

Una nang lumabas sa mga balita na kung si Velasco ang mahihirang na House Speaker ay inaawitan ito ng bilyonaryong kongresista na si Romero para sya ang maging majority leader kapalit naman ng bloc vote na ibibigay sa kanya ng Partylist Coalition na may 61 miyembro kung saan tumatayong pangulo si Romero.

Sina Velasco at Romero ay kapwa two-term congressmen.

TAGS: duterte, house speaker, partylist, romero, velasco, duterte, house speaker, partylist, romero, velasco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.