Philippine Red Cross tutulong na rin sa pagrarasyon ng tubig
Ipinag-utos ni Senador Richard Gordon ang paghahanda ng Philippine Red Cross (PRC) ng kanilang water tankers para magpadala ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila na maaapektuhan ng kawalan ng tubig.
Ito ay kasunod ng patuloy na pagbaba ng antas ng tubig ng Angat Dam na ngayong araw ng Huwebes ay nasa 160 point 73 meters.
Ayon sa PRC chairman, handa rin ang kanilang hanay na magbigay ng suplay ng tubig sa mga ospital at iba pang establisimiyento na nangangailangan nito.
Mayroon aniya silang dalawampung water tanker sa Metro Manila.
Ani Gordon, sakaling magpatuloy pa ang pagbaba ng water level sa Angat Dam, bibigyang-prayoridad ng PRC ang mga ospital para hindi maantala ang anumang health care service at maiwasan ang anumang kumplikasyon sa mga pasyente.
Matatandaang sinabi ni National Water Resources Board Executive Director Sevillo David na posibleng umabot ang Angat Dam sa 160-meter low level bukas, araw ng Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.