Mga Chinese na sangkot sa Recto Bank incident dapat magbayad at maparusahan – Rep. Biazon

By Erwin Aguilon June 20, 2019 - 01:00 PM

DA Photo
Nanindigan si House Committee on National Defense and Security Senior Vice Chair Ruffy Biazon na kailangang managot ang mga tripulante ng barko ng China na bumangga sa bangkang pangisda ng nga Pinoy sa Recto Bank.

Ayon kay Biazon, isang seryosong maritime incident ang nangyari na nangangailangan ng pagpapanagot sa mga may sala.

Dapat aniyang malaman kung magkano ang pinsala na idinulog nito at pagbayarin ang mga Chinese na sangkot bukod pa sa parusa na dapat ipataw.

Kaugnay nito, iginiit ng mambabatas na sa kabila ng mga kasalukuyang international agreements kailangang bumuo ng kasunduan ang Pilipinas at China may kaugnayan sa protocol sa paglalayag.

Kasama anya rito ang pagsagip sa mga distressed na mga mandaragat, reporting at imbestigasyon sa mga maritime incident at pagpapanagot sa mga lalabag.

TAGS: House Committee on National Defense and Security, Recto Bank, rep biazon, House Committee on National Defense and Security, Recto Bank, rep biazon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.