Ret. Gen. Ricardo Morales itinalaga ni Pangulong Duterte bilang PhilHealth president

By Chona Yu June 20, 2019 - 12:44 PM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Retired General Ricardo Morales bilang presidente ng PhilHealth.

Ang paghirang ng pangulo kay Morales ay kinumpirma ni senator-elect Bong Go.

Papalitan ni Morales si Roy Ferrer na pinaghain ng resignation ng pangulo dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan ng PhiHealth bunsod ng bogus claims.

Kinumpirma naman ni health Sec. Francisco Duque III ang pagtalaga kay Morales bilang PhilHealth acting president at chief executive officer.

Si Morales ay isang retired army general.

Matatandaan na noong anibersaryo ng Philippine Navy sa Sangley Point sa Cavite, sinabi ng pangulo na aalisin niya si Morales sa MWSS, para bigyang-daan naman si Northern Luzon Command General Emmanuel Salamat na nakatakdang magretiro sa July 15.

Samantala, si Dr. Jaime Cruz naman ay itinalaga bilang board member ng PhilHealth.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na inalok ni Pangulong Duterte si Cruz sa PhilHeatlh subalit hindi pa tinatangap ang alok noon.

TAGS: ceo, philhealth, President, Ricardo Morales, ceo, philhealth, President, Ricardo Morales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.