35 Chinese ipatatapon palabas ng bansa dahil sa ilegal na pagtatrabaho sa isang construction site

By Dona Dominguez-Cargullo June 20, 2019 - 12:36 PM

Ipatatapon palabas ng bansa at isasailalim na sa blacklist ang tatlumpu’t limang Chinese National bunsod ng ilegal na pagtatrabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) chief Jaime Morente, sisimulan na ang deportation proceedings laban sa mga dayuhan.

Ang 35 dayuhan ay nadakip sa isang construction site sa Parañaque City.

Sinabi ni BI Intelligence Division chief Fortunato Manahan Jr. na nahuli sa akto ang mga dayuhang Chinese na nagsasagawa ng tile setting, finishing works, wood works, at iba pang construction activities.

Malinaw umano itong paglabag sa mga kondisyon ng kanilang pananatili sa bansa dahil ang mga dayuhan ay pinagbabawalan na masangkot sa manual labor.

Sangkot sa pagkuha sa nasabing mga dayuhan bilang trabahador ang dalawang construction companies.

TAGS: 35 chinese national, construction site, paranaque city, 35 chinese national, construction site, paranaque city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.