Higit P74M halaga ng pekeng luxury items nakumpiska sa Maynila
Nasabat ng National Bureau of Investigastion (NBI) ang higit P74 milyong halaga ng luxury bags, wallet, sapatos at iba pang gamit sa isang mall sa Malate, Maynila, araw ng Miyerkules.
Sinalakay ng NBI ang mall sa bisa ng search warrant matapos ang reklamo ng kumpanya na Louis Vuitton.
Nakatakdang ipresenta sa korte ang pekeng mga produkto bilang ebidensya at sisirain ang mga ito.
Kakasuhan naman ay may-ari ng stall sa mall ng paglabag sa Intellectual Property Rights Law.
Magugunitaang noong Biyernes, nagsagawa rin ng raid ang NBI sa Divisoria at nasamsam naman ang P4.9 milyong halaga ng pekeng Michael Kors products.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.