5 Pilipinong naaksidente sa New Zealand tinututukan ng DFA
Patuloy ang pakikikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Wellington sa pagbabantay sa limang biktima ng aksidente sa tren sa New Zealand.
Dalawa sa limang biktima ay nasawi habang ang tatlo naman ay sugatan sa nangyaring insidente sa Bay of Plenty sa Pongakawa School Road malapit sa Te Puke.
Ayon kay Ambassador Jesus Domingo, nakikipagtulungan sila sa mga awtoridad sa New Zealand upang alamin ang pagkakakilanlan at kondisyon ng limang Pinoy.
Nakahanda naman ang embahada na ibigay ang tulong na kailangan ng mga Pilipinong naaksidente at kanilang mga pamilya.
Naiulat na nasagaan ng tren ang sasakyan ng mga Pinoy habang papatawid sa riles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.