Panelo iminungkahi ang PH-China joint probe sa insidente sa Recto Bank
Iminungkahi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pagsasagawa ng joint investigation ng Pilipinas at China kaugnay sa naging banggaan ng mga fishing vessels sa Recto Bank o Reed Bank.
Ayon kay Panelo, mabuti na nagsasama sa imbestigasyon ang dalawang bansa upang masabi na ito ay patas.
Maganda rin aniya na mayroong nakabantay sa magkabilang kampo sa gagawing imbestigasyon.
Kung sakaling maging posible ang joint investigation ay gagawa sila ng grupo na sisiyasat sa nangyaring banggaan ng bangka ng mga Pilipinong mangingisda at barko ng China.
Pero dagdag ng opisyal, dapat matapos muna ang imbestigasyon ng dalawang kampo bago may papasukin na mga third party investigators na sisiyasat sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.