Mga tauhan ng MILF, BIFF at PAGs kakasuhan na kaugnay sa Mamasapano clash

By Den Macaranas December 17, 2015 - 05:31 PM

SAF/JAN.29,2015 Pictures of the slain PNP SAF killed in an alleged "misencounter" with MILF and BIFF in Mamasapano,Maguindanao displayed outside the gates of  Camp Bagong Diwa, Taguig. INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA
INQUIRER PHOTO/RAFFY LERMA

Tinapos na ng Department of Justice ang kanilang preliminary investigation kaugnay sa naganap na Mamasapano Massacre noong January 25 2015.

Inirekomenda ni Senior State Prosecutor Roseanne Balauag na sampahan ng kasong complex crime of direct assault with murder and theft ang 90 katao na sinasabing nasa likod ng nasabing pamamaslang.

Kabilang sa mga pinakakasuhan ang isang Kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na si Lakman Dawaling.

Binigyan hanggang sa January 14 2016 ang mga respondents ng pagkakataon para makapagsumite ng kani-kanilang mga counter affidavit.

Kabilang sa mga pinakakasuhan ang ilang mga tauhan ng MILF, Bansamoro Islamic Freedom Fighter at mga kasapi ng ibat-ibang mga Private Armed Groups sa Maguindanao.

Magugunitang 60 katao ang patay sa naganap na enkwentro sa Maguindanao kabilang na dito ang tinaguriang SAF 44.

 

 

TAGS: BIFF, mamasapano, MILF, PNP, saf 44, BIFF, mamasapano, MILF, PNP, saf 44

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.