Mga mangingisda na sangkot sa Recto Bank incident binigyan ng mga bangka
Ibinigay na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang labing-isang bangka sa mga mangingisdang lulan ng F/B Gem-Ver 1 na nabangga ng Chinese vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea.
Ayon kay Elizer Salilig, director ng BFAR MIMAROPA, natanggap na ng dalawampu’t dalawang mangingisda ang fiberglass boat kung saan dalawang mangingisda ang maghahati sa kada bangka.
Nagkakahalaga ang bawat bangka ng P125,000
Ayon kay Salilig, mas malaki ang bangka at mayroong makina at mga kinakailangang kagamitan.
Samantala, sa isang panayam, sinabi naman ni Mark Anthony Sinag mula sa Department of Social Welfare and Development sa Occidental Mindoro na makatatanggap ang bawat mangingisda ng P10,000 tulong-pinansyal, bigas at ilang de lata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.