Hustisya sa mga Pinoy na mangingisda sa Recto Bank incident tiniyak

By Chona Yu June 19, 2019 - 04:16 PM

Philippine Navy photo

Tiniyak ng Malacañang na mabibigyan ng hustisya ang dalawampu’t dalawang mangingisda na binangga ng Chinese fishing vessel sa Recto Bank.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi hahayaan ng palasyo na basta na lamang makawala ang mga taong nagkasala sa mga Pilipinong mangingisda,

Katunayan, sinabi ni Panelo na hindi rin payag ang China na basta na lamang maabswelto ang Chinese crew kung totoong inabandona ang mga mangingisda.

“We will not allow absence of responsibility on the part of the wrongdoers. And in fact, even the Chinese government said so itself na hindi rin sila papayag na ganoon. In fact, they said, irresponsible behavior iyong abandonment”, ayon pa sa kalihim.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na nakasaad sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na walang mandato na para sa rescue ang mga distressed marine personnel sa international water kapag nakakita ng security threat ang mga rescuers.

Ito aniya ang dahilan kung kaya kinakailangan na imbestigahan ng husto kung bakit iniwan ng Chinese crew ang mga Pilipinong mangingisda na humihingi ng tulong.

Una nang ikinatiwiran ng China na natakot ang Chinese crew na tulungan ang mga Pinoy na mangingisda dahil sa takot na makuyog sila.

TAGS: China, duterte, panelo, Recto Bank, UNCLOS, West Philippine Sea, China, duterte, panelo, Recto Bank, UNCLOS, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.