Third party investigation sa Recto Bank incident inihirit ng isang national security expert
Dapat ay magkaroon ng third party investigation sa insidente sa Recto Bank.
Bagaman may ginagawa nang magkahiwalay na imbestigasyon ang China at Pilipinas sinabi ni National Security Expert Prof. Rommel Banlaoi, dapat ay matiyak ang impartial investigation sa usapin.
Kasunod na rin ito ng magkakaibang mga pahayag mula sa mga opisyal ng pamahalaan at mula sa pamahalaan ng China.
Sinabi ni Banlaoi na dapat pribado at mga eksperto ang kukunin para magsagawa ng third party investigation.
Anuman kasi aniya ang magiging kahihinatnan ng naturang imbestigasyon ay hindi ito pagdududahan at tatanggapin ng publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.