Recto Bank incident maaring umakyat sa arbitration ayon sa Malakanyang

By Chona Yu June 19, 2019 - 08:07 AM

Hindi isinasantabi ng Malakanyang ang posibilidad na umabot sa arbitration ang insidente sa Recto Bank
kung saan binangga ng Chinese fishing vessel ang bangka ng mga Filipinong mangingisda.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, saka lamang aakyat sa arbitration kapag hindi nagtugma ang magkahiwalay na imbestigasyon ng China at Pilipinas.

Nangako naman aniya ang China na kanilang parurusahan ang Chinese crew kung mapapatunayan na sinadyang banggain ang bagkanng mga Filipino.

Sa ngayon sinabi ni Panelo na pinag-aaralan ng palasyo ang lahat ng opsyon para maresolba ang insidente sa Recto Bank.

TAGS: China, philippines, Radyo Inquirer, Recto Bank, West Philippine Sea, China, philippines, Radyo Inquirer, Recto Bank, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.