OJT walang puwang sa house speakership ayon sa isang kongresista
Iginiit ni incoming Anakalusugan Rep. Mike Defensor na kailangang magawa ng susunod na House Speaker ang mga legislative reforms na isinusulong si Pangulong Rodrigo Duterte.
Dahil dito, ayon kay Defensor walang puwang upang maging isang OJT mula sa unang araw ang magiging Speaker.
Paliwanag ni Defensor sa mga kumakandidato bilang pinuno ng Kamara sina Leyte Rep-elect Martin Romualdez at Taguig Rep.-elect Alan Peter Cayetano ang nakalalamang.
Sinabi nito na kailangan sa simula pa lamang ay mayroong kakayahan at competence ang mga ito upang pamunuan ang Kamara.
Bukod kina Romualdez at Cayateno kabilang sa mga nais maging House Speaker sina Davao Rep. Pantaleon Alvarez, Pampanga Rep. Aurelio Gonzales at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.
Para kay Defensor na dating Chief of Staff sa Arroyo administration na wala kay Velasco ang katangian ng pagiging House Speaker na ngayon ay inuugnay sa suhulan sa kongreso para sa speakership na sinasabing pinopondohan ng isang kilalang negosyante.
Maging ilang mga political analyst ay aminadong mahihirapan si Velasco na mahirang na House Speaker sa katwirang hindi pa malawak ang karanasan nito bilang mambabatas.
Kahinaan din maituturing na hindi kilala si Velasco sa mismong loob at labas ng House of Repsentatives gayundin ay hindi ito nanguna sa mga diskusyon sa ilang mahahalang isyu ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.