PAGASA: Lebel ng tubig sa Angat Dam tataas simula sa Hulyo

By Rhommel Balasbas June 18, 2019 - 03:47 AM

Patuloy na pinagtitipid sa tubig ang mga residente sa Metro Manila at mga karatig-lugar dahil inaasahang sa susunod na buwan pa posibleng madagdagan ang antas ng tubig sa Angat Dam.

Sa isang pulong balitaan araw ng Lunes, sinabi ni PAGASA weather division chief Esperanza Cayanan na inaasahang sa Hulyo pa darating ang mas maraming ulan na makapagpapataas sa lebel ng tubig sa Angat Dam.

“We expect more rains come July and we expect the water level at Angat to gradually increase at that time,” ani Cayanan.

Ayon pa sa PAGASA official, Hulyo, Agosto at Setyembre ang pinakamaulang mga buwan kada taon.

Iginiit naman ni Cayanan na kinakailangan ang dalawa hanggang tatlong bagyo upang maibalik sa minimum operating level na 180 meters ang antas ng tubig sa Angat.

Kahapon, araw ng Lunes, sumadsad pa sa 162.39 meters ang lebel ng tubig sa Dam.

Ibinabala na rin ng National Water Resources Board (NWRB) ang posibilidad ng pagbawas sa alokasyon ng tubig para sa domestic needs sakaling bumaba pa sa 160 meters ang tubig.

 

TAGS: Angat Dam, antas ng tubig, El Niño, Hulyo, magtipid ng tubig, NWRB, Pagasa, tataas, Angat Dam, antas ng tubig, El Niño, Hulyo, magtipid ng tubig, NWRB, Pagasa, tataas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.