PAGASA inilunsad ang storm surge warning system

By Rhommel Balasbas June 18, 2019 - 03:26 AM

Inilunsad ng PAGASA araw ng Lunes ang isang warning system na layong balaan ang publiko tungkol sa paparating na storm surges o daluyong sa kasagsagan ng bagyo.

Sa pulong balitaan, sinabi PAGASA Administrator Vicente Malano na makatutulong ang bagong warning system para maiwasan ang casualties sakaling may storm surges.

May dalawang klasipikasyon sa ilalim ng warning system: ang storm surge watch at ang storm surge warning.

Ang storm surge watch ay para sa ‘moderate to high-risk storm surges’ na magaganap sa susunod na 48 oras habang ang storm surge warning ay para sa ‘high-risk storm surges’ sa susunod na 24 oras.

Ayon naman kay Hydrometeorology, Tropical Meteorology & Instrument, Research and Development Section (HTMIRDS) – PAGASA chief Maria Cecilia Monteverde, sa ilalim ng storm surge warning system, ipapakita sa pamamagitan ng isang mapa ang storm surge-prone areas kasama ang track line ng posibleng storm surges sakaling may bagyo.

Nakadepende ang kulay ng track sa taas ng tubig ng daluyong.

Ang kulay asul ay nangangahulugang mababa sa isang metro ang storm surge; dilaw kung isa hanggang dalawang metro; orange kapag dalawa hanggang tatlong metro; at red o pula kung kampas sa tatlong metro.

Nasubukan na ang bagong warning system noong September 2018 nang manalasa ang Bagyong Ompong.

Noong 2013, tumama ang isang storm surge sa Tacloban sa kasagsagan ng pananalasa ng Typhoon Yolanda kung saan umabot sa 6,200 ang nasawi.

 

TAGS: Bagyo, Bagyong Ompong, daluyong, Pagasa, storm surge, typhoon yolanda, warning system, Bagyo, Bagyong Ompong, daluyong, Pagasa, storm surge, typhoon yolanda, warning system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.