Locsin kaugnay ng UNCLOS: Kabiguang mailigtas ang taong nasa panganib, nakakaalarma

By Len Montaño June 18, 2019 - 02:49 AM

Ikinaalarma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na walang international provision kaugnay ng parusa sa kabiguan ng crew ng isang barko na tulungan ang mga tao na “in distress” sa karagatan.

Sa Philippine Statement sa 29th meeting of State Parties to the United Nations Convention of the Law of the Sea (UNCLOS) araw ng Lunes, ikinuwento ni Locsin ang insidente noong June 9 nang bumangga ang barko ng China sa bangkang pangisda ng mga Pilipino.

Sa pag-alala sa 25th anniversary ng implementasyon ng UNCLOS na ginawa sa UN New York, ibinahagi ng Kalihim ang paglubog ng Philippine fishing vessel sa Recto Bank sa West Philippine Sea, lugar na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

“The rescue of persons in distress is a universally recognized obligation of people and governments; and in the civil law and, maybe even in common law, it is a felony to abandon people in distress, especially when we cause that distress; and more so when it is no bother at all to save them at no risk to oneself,” ani Locsin.

Sinabi pa ni Locsin na ang UNCLOS ang nagbibigay ng komprehensibong legal na alituntunin para sa mga karagatan at ito ang sinusunod ng mga bansa para hindi magkaroon ng anarkiya.

“While no sanction is available in international law, it should be a cause of concern,” dagdag ng Kalihim.

Binanggit ng opisyal ang Article 33 ng UNCLOS kaugnay ng obligasyon ng isang barko na tumulong sa isang barko at crew nito na nasa panganib.

Iginiit ni Locsin na ang mga miyembro ng UN at International Maritime Organization (IMO) ay obligado na obserbahan ang conventions sa totoong “life and death” situation.

Sa ilalim ng UNCLOS, obligasyon ng kapitan ng barko ang sumusunod:

  • Tulungan ang sinuman na nasa gitna ng karagatan at nasa panganib na mawala;
  • Agad na iligatas ang nasa panganib na tao;
  • Matapos ang banggaan, tulungan ang barko o bangka, crew at mga pasahero nito at magbigay ng impormasyon ukol sa pangalan ng kanyang barko, port of registry at pinakamalapit na post kung saan ito tatawag.

 

TAGS: 25th anniversary, Article 33, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, IMO, in distress, kabiguan, obligasyon, Recto Bank, UN New York, UNCLOS, West Philippine Sea, 25th anniversary, Article 33, Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, IMO, in distress, kabiguan, obligasyon, Recto Bank, UN New York, UNCLOS, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.