Inihayag ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao na hindi na tiyak ang pagkasama ni Jayson Castro sa national basketball team para sa 2019 FIBA Basketball World Cup.
Ayon kay Guiao, inaasikaso kasi ngayon ni Castro ang umanoy “personal priorities” nito.
Dedesisyunan sa linggong ito kung mananatili sa Gilas ang tinaguriang “The Blur” o kung magbi-break ito.
Hindi naman masisi ni Guiao si Castro na umalis sa Gilas dahil matagal na anya itong nagsilibi sa national team.
Pero ang pagkawala ni Castro ay may malaking epekto sa koponan kaya naman aasahan ng Gilas ang “young generation.”
Kumpyansa si Guiao na kahit hindi na maging bahagi ng Gilas si Castro ay mayroong aabante mula sa mga nakababatang players.
Isa sa mga miyembro ng “young generation” si NLEX guard Kiefer Ravena at ito ang tinitingnan ni Guiao na posibleng pumalit kay Castro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.