Panawagang pagbawalan ang mga Chinese fishermen sa Recto Bank, malabo – Biazon

By Erwin Aguilon June 17, 2019 - 07:08 PM

Naniniwala si House Committee on National Defense and Security senior vice chairman Ruffy Biazon na malabo ang panawagan na pagbawalan o ban ang mga mangingisdang Chinese sa Recto bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Biazon, bagamat bahagi ng Exclusive Economic Zone ang Reed bank, hindi ito sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Bukod dito, magiging epektibo lang ang fishing ban sa mga Chinese kung mahigpit na maipatutupad.

Sa ngayon kasi, limitado aniya ang kakayahan ng Pilipinas at kahiya-hiya lang na humirit ng ban na kapos sa implementasyon.

Naniniwala si Biazon na ang pagtutulak ng diplomatikong aksyon sa international arena para mapuwersa ang China na mapayapang tumugon sa usapin, ang pupuwedeng magawa ng gobyerno.

Reaksyon ito ng mambabatas kasunod ng plano ni Joel Insigne, ang kapitan ng bangkang binangga ng Chinese vessel na hingin kay Pangulong Duterte na magpatupad ng fishing ban laban sa Chinese fishermen upang hindi na maulit ang insidente.

TAGS: chinese fishermen, Recto Bank, Rep. Ruffy Biazon, West Philippine Sea, chinese fishermen, Recto Bank, Rep. Ruffy Biazon, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.