9,000 pulis, ipakakalat para sa ikaapat na SONA ni Pangulong Duterte
Ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 9,000 pulis sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief, Gen. Oscar Albayalde na dalawang linggo ng naghahanda ang kanilang hanay para sa SONA ng pangulo.
Ang nasabing bilang ay mas marami aniya kumpara sa 7,000 pulis na ipinakalat noong nakaraang SONA.
Kabilang dito ang 6,000 pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at ang ilan ay mula sa iba pang PNP units at force multipliers.
Ayon pa kay Albayalde, nagsagawa ng National Civil Disturbance Management Competition ang PNP para maisanay ang mga pulis sa civil disturbance management.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.