Partylist Coalition hindi pa nakapili ng susuportahang house speaker para sa 18th Congress

By Erwin Aguilon June 17, 2019 - 10:42 AM

Itinanggi ni Anakalusugan Rep-elect Mike Defensor na nakapili na ng susuportahang Speaker sa 18th Congress ang Party-list Coalition Foundation Incorporated.

Ito’y makaraang magkamali ng pinadalhang Viber group si PCFI President at 1-PACMAN Rep. Mikee Romero para ianunsyo na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang iboboto ng grupo bilang speaker.

Ayon kay Defensor, nasa proseso pa ng pagdedesisyon ang grupo kaya kung nais ni Romero na maging solido ang bloc voting ay dapat manatili itong neutral.

Malinaw na aniya ngayon kung sino ang sinusuportahan ni Romero lalo’t hindi lamang si Defensor ang nakabasa ng naturang mensahe kundi maging ang ibang miyembro ng koalisyon.

Sa kabila nito, hindi nag-aalala ang incoming congressman dahil may kaniya-kaniya namang pang-unawa ang mga miyembro at nagpapatuloy pa ang deliberasyon.

Sa darating na Miyerkules ay muling magpupulong ang PCFI members sa Quezon City upang ipagpatuloy ang selection process hinggil sa susuportahan sa speakership.

TAGS: 18th congress, House Speakership, Radyo Inquirer, 18th congress, House Speakership, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.