Isa sa akusado sa pagkamatay ng hazing victim na si Atio Castillo hinatulang guilty kasong obstruction of justice

By Dona Dominguez-Cargullo, Ricky Brozas June 17, 2019 - 09:23 AM

Hinatulang guilty ng mababang korte sa kasong kasong obstruction of justice si Aegis Juris frat member John Paul Solano.

Ito ay may kaugnayan sa kaso ng pagkasawi ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo.

Sa desisyon ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 14, hinatulang mabilanggo ng hanggang 2 taon at 4 na buwan si Solano.

Inabswelto naman siya sa isa pang kaso na kinakaharap niya na purjery .

Magugunitang si Solano ang nagdala kay Castillo sa Chinese General Hospital noong Sept. 17, 2017.

Sa mga naunang pahayag ni Solano, sinabi nito na natagpuan niya ang katawan ni Atio sa Tondo.

Pero mariin itong pinasungalingan ng mga local officials sa Tondo dahil wala namang Katawan ni Atio na nakita doon.

Maliban kay Solano, mayroong 10 iba pang akusado sa pagpatay kay Castillo.

Ang mga kasong kinakaharap nila ay kinabibilangan ng homicide, robbery, at paglabag sa anti-hazing law.

TAGS: atio castillo, hazing victim, horacio castillo, John Paul Solano, atio castillo, hazing victim, horacio castillo, John Paul Solano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.