Malawakang blackout naranasan sa South America, 55 milyong katao ang apektado
Nakaranas ng malawakang blackout sa Argentina, Paraguay at Uruguay dahil sa pagpalya ng power grid.
Ayon sa Energy Secretariat ng Argentina, nasira ang kanilang power grid dahilan para mawalan ng kuryente ang buong bansa at ang mga kalapit na bansa na Uruguay at Paraguay.
Aabot sa halos 55 milyong populasyon ang naapektuhan ng blackout.
Nagresulta din ito sa pagsasara ng pangunahing transport service gaya ng subway, pagkawala ng water supply at cellphone at internet service.
Humaba din ang pila ng mga sasakyan sa mga gasolinahan at naperwisyo ng husto ang daloy ng traffic dahil sa kawalan ng traffic lights na gumagana.
Patuloy pa ang pagsisikap upang maibalik sa normal ang suplay ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.