Mahigit 100 katao naaresto sa Makati sa nakalipas na isang linggo dahil sa iba’t ibang paglabag

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2019 - 06:58 AM

Umabot sa 112 katao ang nadakip sa Makati City dahil sa iba’t ibang mga paglabag.

Sa datos ng Makati Police Department, ang 112 katao ay nadakip sa serye ng mga operasyon na kailang ikinasa mula June 9 hanggang June 15.

Kabilang sa nadakip ang tatlong lalaki na may kasong pagnanakaw, isa ang nadakip dahil sa paglabag sa Anti-Bomb Joke Law, isa dahil sa illegal possession of bladed weapons, isa dahil sa kasong unjust vexation, isa ang may kasong carnapping, isa ang may kasong disobedience to a person in authority, may mga nadakip din nang dahil sa mga kasong physical injury at alarm and scandal, grave threat at trespassing.

Sa nasabing mga operasyon, sinabi ng Makati Police na umabot sa 13 ang nadakip nilang hinihinalang 13 drug pushers at 16 na drug users.

Umabot sa 212 ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa kanila na nagkakahalaga ng P184,600.

May mga nadakip din dahil sa paglabag sa mga ordinansa ng lungsod gaya ng illegal gambling, smoking in public, drinking in public places, illegal vending, littering, at paglabag sa curfew.

TAGS: arrest, Makati, violations, arrest, Makati, violations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.