Organizers: Hong Kong protesters vs extradition bill umabot sa 2 milyon
Halos dalawang milyong katao ang nakiisa sa malawakang kilos-protesta sa Hong Kong para pigilan ang pagpasa sa kontrobersyal na extradition bill.
Ayon kay Jimmy Sham ng Civil Human Rights Front, ang dalawang milyong demonstrador ay naitala araw ng Linggo.
Kung makukumpirma, ito na ang pinakamalaking kilos-protesta sa kasaysayan ng Hong Kong.
Ayon naman sa mga pulis, 338,000 lamang ang peak volume ng mga ralyisya.
Una rito, sinuspinde na ang extradition bill kung saan papayagan ang extradition o paglilipat sa mga nagkasala sa batas mula Hong Kong patungong mainland China.
Humingi na rin ng paumanhin araw ng Linggo, si Hong Kong leader Carrie Lam sa pagpanukala sa extradition bill sa gitna ng panawagang bumaba na ito sa kanyang pwesto.
Nangangamba ang mga Hong Kong residents sa lumalakas na impluwensya ng China sa Hong Kong.
Ang Hong Kong bagaman nasa China ay may sariling police force at walang hurisdiksyon dito ang Chinese law enforcement agencies dahil sa umiiral na one country two systems.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.