PCCI magbibigay ng P1M sa 22 mangingisda na binangga at inabandona sa Recto Bank
Magbibigay ng tulong ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa 22 mangingisdang Filipino na inabandona ng Chinese vessel matapos banggain ang kanilang bangka sa Recto Bank.
Sa isang pahayag araw ng Linggo, sinabi ng PCCI na ipagkakaloob nila ang P1 milyong halaga ng tulong para sa mga mangingisdang Pinoy.
P500,000 ay ilalaan para sa pagsasaayos ng kanilang bangka na F/B GEMVIR1 habang ang natitirang P500,000 ay tulong-pangkabuhayan.
“The PCCI-lead International Chamber of Commerce and Philippine Silk Road International Chamber of Commerce (will) donate PHP1,000,000 for the livelihood support of Philippine fishermen and for the repair of the fishing boat in the Recto Bank incident, PHP 500,000 for repair and PHP 500,000 for livelihood support,” ayon sa PCCI.
Ipinangako ng PCCI ang tulong matapos hilingin ng Mindoro Chamber of Commerce at matapos ding makaharap ang may-ari ng bangkang pangisda.
Nauna nang sinabi ng Western Command na isang Chinese vessel ang bumangga at nagpalubog sa F/B GEMVIR1 at inabandona lamang ang 22 crew nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.