Mga bayan sa Nueva Ecija binaha, 64 na Brgy sa Cabanatuan City lubog sa baha
Nagsasagawa ngayon ng rescue operations sa maraming bayan sa Nueva Ecija at sa Cabanatuan City.
Ito ay matapos bahain ang Cabanatuan at ang mga bayan ng Gapan, Cabiao, San Antonio, Zaragoza at San Leonardo sa Nueva Ecija.
Ayon kay Cabanatuan City Mayor Jay Vergara pahirapan ang rescue operations dahil sa mataas na tubig baha sa lugar na sa iba ay umabot ng lampas tao.
Ngayong umaga ay itutuloy ang gagawing rescue operations sa mga barangay sa Cabanatuan City.
Sinabi ni Vergara na 64 na Barangay sa kanilang lungsod ang lubog sa baha.
Samantala, binalaan na ng pamunuan ng Angat Dam ang mga bayan sa Bulacan na maaring maapektuhan ng gagawing pagpapakawala ng tubig.
Inalerto na ngayon ang mga residente sampung bayan sa Bulacan na maaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig.
Partikular dito ang mga residente ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliwag, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Paombong at Hagonoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.