Lalaki sa Valenzuela City, arestado sa kasong extortion

By Noel Talacay June 16, 2019 - 01:50 PM

Naaresto ang isang lalaki matapos itong ireklamo ng extortion ng dalawang negosyanteng babae.

Nakilala ang suspek na si Ramil Longanilla Coronel, 41-anyos, walang trabaho.

Ang mga biktima naman ay sina Jerry Allones Tello, 44-anyos at Josephine Jerus Lladoc, 43-anyos, parehong mga negosyante.

Ang mga suspek at biktima at parehas na residente ng Valenzuela City.

Ayon sa pulisya, humingi ang suspek ng P1,260 kay Lladoc dahil hindi raw na renew business permit nito.

P15,000 naman ang hinihingi ng suspek kay Tello dahil umano’y hindi pagsunod sa business sanitary permit ng sari-sari store nito.

Agad naman inaresto ang suspek pero tumanggi itong sumama sa mga otoridad at napagalam din na may tinatanago itong mga pekeng iba’t ibang local goverment I.D.’s.

Nakakulong na ang suspek sa Valenzuela City Police Station at mahaharp ito sa kasong robbery extortion, falsification of public document at resistance and disobedience.

TAGS: robbery extortion, Valenzuela City Police Station, robbery extortion, Valenzuela City Police Station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.