Kaso laban sa may-ari ng WellMed, 2 iba pa isasampa na ng DOJ sa korte

By Jan Escosio June 14, 2019 - 06:29 PM

Isasampa na sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang kasong estafa thru falsification of public and official documents laban sa may ari ng WellMed Dialysis Center at dalawang ‘di umano’y kasabwat nito sa nabunyag na ‘ghost dialysis claims.’

Ang kakasuhan sina Bryan Christopher Sy at ang magkasintahan na sina Edwin Robert at Liezel Santos.

Base sa ipinalabas na 9 na pahinang resolusyon ni Senior Asst. State Prosecutor Anna Noreen Devanadera sinabi nito na nakitaan ng probable cause ang reklamong isinampa ng NBI Anti-Graft Division laban sa tatlo.

Nabatid na 17 bilang ng estafa ang isasampa sa korte laban sa tatlo at sa bawat isang kaso ay inirekomenda ang piyansang P72,000.

Sinasabi na hindi bababa sa P800,000 ang nasingil ng WellMed sa Philhealth para sa mga dialysis patients na sinasabing patay na.

Inirekomenda rin na sumailaim sa preliminary investigation ang reklamo laban sa pitong iba pa na opisyal ng WellMed.

Napadalhan na rin ng kopya ng resolusyon ang lahat ng mga partido sa kaso.

TAGS: 17 counts of estafa, brian sy, estafa, WellMed, 17 counts of estafa, brian sy, estafa, WellMed

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.