Pagawaan ng ‘taho’ na may katabing babuyan at palikuran sa Tuguegarao City ipinasara

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2019 - 03:40 PM

Ipinasara ang isang Taho Manufacturing Business sa Barangay Buntun sa Tuguegarao City sa Cagayan.

Nagpalabas ng Business Closure Order ang pamahalaang panglungsod at isinilbi ito sa naturang establisyimento nina Ret. Police Colonel Andres Baccay ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) kasama ang mga kinatawan mula sa PNP, at BFP.

Ayon sa Tuguegarao City Information Office, walang business permit at sanitary permit ang establisyimento.

May mga reklamo din na natanggap ang Mayor’s office na marumi at mabaho ang gawaan ng taho dahil may katabi itong kulungan ng baboy at palikuran.

Sinabi ni Baccay na papanagutin ang may-ari ng kumpanya dahil sa paglabag sa mga umiiral na batas.

Magsisilbi rin aniya itong aral sa iba pang negosyante para iparehistro at panatilihing malinis ang operasyon kanilang negosyo lalo na kung may kaugnayan sa pagkain.

TAGS: Tuguegarao City, Tuguegarao City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.