Banat ni Sen. Lacson kaugnay sa anomalya sa OWWA funds sinagot ni Sec. Duque

June 14, 2019 - 03:21 PM

Sinagot na ni Health Sec. Francisco Duque ang kontrobersiya hinggil sa umano’y anomalya sa pondo ng OWWA.

Sa isang pahayag ng kalihim sinabi nito na matagal nang isyu ang umano’y maling paggamit sa OWWA funds.

Katunayan ay naibasura na anya ng ito Office of the Ombudsman noon pang 2012 at mayroon nang pinal na desisyon dito ang Supreme Court noon pang 2013 dahil walang nakitang sapat na ebidensya.

Ani Duque, noong sumalang siya sa confirmation hearing taong 2010 bilang chairmang ng Civil Service Commission ay naungkat na ang usapin.

Noong panahon na iyon ay nagkasundoa aniya ang Commission on Appointments o CA kung saan bahagi din si Sen. Panfilo Lacson na walang basehan ang mga akusasyon laban sa kanya patungkol sa OWWA funds.

Kasabay nito, umapela si Duque na suriin muna ang mga alegasyon bago ilahad sa publiko.

Una nang sinabi ni Senador Panfilo Lacson na sangkot din ang kalihim sa isa pang kontrobersiya 15-taon na ang nakararaan.

TAGS: department of health, francisco duque, Owwa Fund, senator lacson, department of health, francisco duque, Owwa Fund, senator lacson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.