Pagbangga ng barko ng China sa bangkang pangisda ng mga Pinoy dapat iprotesta sa Chinese Government – CHR

By Erwin Aguilon June 14, 2019 - 03:07 PM

Nanindigan ang Commission on Human Rights (CHR) na kailangang iprotesta ng pamahalaan sa Chinese Government ang ginawang pagbangga ng barko nito sa bangkang pangisda ng mga Pinoy sa West Philippine Sea.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jaqueline Ann De Guia, bukod sa protesta kailangan ding gumawa ng hakbang ang gobyerno upang maprotektahan ang karapatan ng mga Filipino sa lupa man o sa dagat.

Ang paggiit ayon kay De Guia sa soberanya ng bansa at karapatan sa Recto Bank na bahagi ng West Philippine Sea ay kailangan upang makinabang ng husto ang mga mangingisdang Pinoy sa mga yaman na nasa Recto Bank na bahagi ng exclusive economic zone ng bansa.

Paliwanag nito, hindi lamang ang pag-exercise sa karapatan ng mga mamamayan ang makukuha ng bansa sa paggiit sa soberanya sa West Philippine Sea.

Bagkus ito anya ay magiging gabay din sa ibang bansa upang igalang ang soberanya ng at International Political Status ng Pilipinas.

Kasabay nito, nagpahayag din ng pagkundena ang CHR sa ginawa ng barko ng China kung saan iniwan na palutang-lutang sa laot ang nasa 22 mangingisdang Pinoy.

TAGS: commission on human rights, Recto Bank incident, commission on human rights, Recto Bank incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.