11 Filipino crew nakaligtas sa nasunog na oil tanker sa Gulf of Oman

By Jimmy Tamayo June 14, 2019 - 10:46 AM

Reuters Photo
Ligtas ang 11 tripulanteng pinoy ng barkong Front Altair makaraang masunog habang naglalayag sa karagatang sakop ng Gulf of Oman.

Bukod sa Filipino crew, ang oil tanker na pag-aari ng Norwegian company na Frontline ay mayroong 11 Russian crew at isang Georgian.

Ang mga tripulante ay nailigtas ng dumadaang barko at inilipat sa isang Iranian navy vessel na naghatid naman sa kanila sapinaka-malapit na pier.

May ulat na maaring isang magnetic mine ang naging sanhi ng pagsabog sa bahagi ng barko bago tuluyang masunog huwebes ng umaga, June 13.

Ang oil tanker ay may lulang 75,000 na tonelada ng naphtha oil galing ng Abu Dhabi at patungo ng Taiwan.

TAGS: Filipino Crew, Front Altair, oil tanker, oman, Filipino Crew, Front Altair, oil tanker, oman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.