Deployment ban sa Kuwait posible dahil sa panggagahasa isang OFW
Maaring ipatupad muli ng DOLE ang deployment ban ng OFWs sa Kuwait bunsod ng panghahalay sa isang Filipina ng isang airport personnel.
Ito ang sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III at aniya ang kanilang desisyon ay depende sa resulta ng pag iimbestiga sa kaso.
Dagdag ng kalihim kung mapapatunayan na ginahasa talaga ang OFW at walang ginawang hakbang ang Kuwaiti government maari sapat na itong dahilan para muling ipatupad ang deployment ban.
Ginahasa ang Filipina household service worker sa parking lot ng airport pagdating nito sa Kuwait noong Hunyo 4.
Nabanggit ni Bello na nasa kustodiya na ngayon ng awtoridad ang suspek na si Fayed Naser Hamad Alajmy.
Samantala ang biktima naman ay nasa pangangalaga na ng kanyang amo.
Ang insidente ang pangalawang kaso na ng pang aabuso sa isang OFW ngayon taon kasunod ng pagpatay kay Constancia Dayag.
Noong 2018, ipinatigil ni Pangulong Duterte ang pagpapadala ng OFWs sa Kuwait dahil sa brutal na pagpatay kay Joanna Demafelis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.