Pinakabatang Obispong Pinoy mamumuno sa Diocese ng Iligan

By Dona Dominguez-Cargullo June 14, 2019 - 08:02 AM

Hinirang ni Pope Francis ang 46 anyos na pari bilang isang ganap na obispo upang pamunuan ang Diocese of Iligan.

Kinumpirma ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines’ (CBCP) sa kanilang website ang appointment ng Santo Papa kay Fr. Jose Rapadas.

Si Rapadas ang magiging ikalimang obispo sa Iligan Diocese na mayroong halos isang milyong mananampalatayang katoliko at 26 na parokya.

Papalitan ni Rapadas si Bishop Elenito Gallido, na pumanaw noong December 5, 2017.

Mula noong pagpanaw ni Gallido ay nagsisilbi si Bishop Severo Caermare ng Dipolog bilang apostolic administrator sa naturang diocese.

Bago mahirang bilang obispo si Rapadas ay nagsilbing Vicar General sa Diocese of Ipil sa Zamboanga Sibugay.

Ipinanganak si Rapagas sa Tondo, Maynila at nag-aral sa St. John Vianney Theological Seminary sa Cagayan de Oro City.

TAGS: CBCP, Fr. Jose Rapadas, Iligan Bishop, CBCP, Fr. Jose Rapadas, Iligan Bishop

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.