Mga residente ng Central Luzon binalaan sa mala-‘Lando’ na pagbaha

By Jay Dones December 16, 2015 - 11:57 PM

 

pagasa-screengrabMay posibilidad na makaranas ng malawakang pagbaha ang ilang bayan sa Gitnang Luzon dahil sa mga pag-uulan na naranasan nitong mga nakaraang araw dulot ng bagyong ‘Nona’.

Ayon sa Twitter post ni Mahar Lagmay, executive director ng Project Nationwide Operational Assessment of Hazards o ‘Noah’, sa kasalukuyan nasa 9.34 meters na ang taas ng Pampanga River (La Fuente Sta Rosa St.).

Patuloy pa aniyang tumataas ang lebel ng tubig sa naturang ilog dahil sa pagbaba ng tubig-ulan mula sa kabundukan.

Dahil dito, asahan aniya  ng mga residente ng Pampanga at Bulacan  ang posibilidad na magkaroon ng mga pagbaha na maihahambing sa naganap nang dumaan sa bansa ang bagyong Lando noong October.

Nang tumama ang bagyong Lando, partikular na naapektuhan ang mga lugar ng Hagonoy, Calumpit sa Bulacan at San Luis, Apalit at Candaba sa Pampanga.

Ang project NOAH ay proyekto ng Department of Science and Technology na nagsasaliksik gamit ang siyensya upang mabigyan ng  maagang babala ang mga residenteng nakatira sa mga lugar na malimit tinatamaan ng pagbaha.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.