Umabot sa 20 mga bata ang nailigtas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. San Agustin at Nova Proper Novaliches Quezon City, Huwebes ng gabi.
Ayon kay Emerson Margate ng Sagip Batang Solvent ng PDEA, ginawa nila ang operasyon para masagip ang mga kabataan sa masamang dulot ng pag singhot ng solvent.
Aniya, sasailalim ang mga bata sa evaluation at dadalhin sa pasilidad ng PDEA para sa rehabilitasyon at counselling.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinag-sanib na pwersa ng PDEA, Novaliches Police, Barangay Public Safety Office, Novaliches Department of Public Order and Safety at Quezon City Social Services Development Department.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.