Erwin Tulfo hindi pa nagsusuko ng mga baril sa PNP

By Angellic Jordan June 13, 2019 - 04:01 PM

Hindi pa maisusuko ng brodkaster na si Erwin Tulfo ang kaniyang mga armas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, batay sa pinakahuling report si Tulfo ay nasa ibang bansa pa.

Kasunod nito, hindi pa aniya maaaksyunan ang renewal ng kaniyang license to own and possess firearms (LTOPF).

Sinabi ni Banac na wala silang impormasyon sa partikular na lokasyon ni Tulfo.

Ngunit, nilinaw nito na nakaalis si Tulfo bago pa ilabas ang notice sa pagkapaso ng kaniyang lisensya.

Sa ngayon, inaalam na aniya ng PNP kung kailan makababalik ng Pilipinas ang brodkaster.

Nagpadala na rin aniya ang PNP ng follow-up message kay Tulfo para tanungin kung kailan ang eksaktong petsa ng pag-renew nito ng lisensya para sa kaniyang mga armas.

Matatandaang ipinag-utos ng PNP kay Tulfo na isuko ang kaniyang mga armas dahil sa pagkapaso ng lisensya nito noong March 3.

TAGS: bautista, guns, license to own and possess firearms, PMA, PNP, tulfo, bautista, guns, license to own and possess firearms, PMA, PNP, tulfo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.