Mga nakabinbing usapin sa poll protest ni dating Sen. Bongbong Marcos pinareresolba na sa PET

By Ricky Brozas June 13, 2019 - 12:15 PM

Contributed Photo
Pinareresolba na ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa Supreme Court (SC) na tatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang lahat ng pending incidents kaugnay ng poll protest ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Sa 13-pahinang urgent motion to immediately resolve all pending incidents na inihain ng abogado ni Robredo na si Atty. Romulo Macalintal, nais daw nilang patunayan na sila mismo bilang respondent ay ayaw nila ang delay sa kaso.

Naniniwala si Macalintal na wala naman talagang naganap na dayaan sa halalan dahil nagtutugma naman daw ang resulta ng recount at revision ng mga balota sa resulta na lumabas sa vote counting machine (VCM).

Sa katunayan, base raw sa mga balotang galing sa tatlong pilot provinces na kinuha ng PET, lumalabas na lamang pa raw sa mga probinsiyang iyon ng nasa 15,000 na boto si Robredo.

Dahil dito, nais ni Macalintal na maresolba na ang protesta sa lalong madaling panahon dahil tatlong taon na rin umano ang kanilang hinintay.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Leni Robredo, pet, poll protest, Supreme Court, Ferdinand Marcos Jr., Leni Robredo, pet, poll protest, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.