LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, June 13

By Dona Dominguez-Cargullo June 13, 2019 - 07:57 AM

Muling nabawasan ang water level sa Angat dam at La Mesa dam na nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw, June 13, ang water level sa Angat dam ay nasa 164.02 meters.

Mas mababa ito kumpara sa 164.48 meters na water level nito kahapon.

Nabawasan din ng bahagya ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 68.57 meters kumpara sa 68.58 meters kahapon.

Maging ang Ipo dam ay nabawasan ang antas ng tubig at ngayon ay nasa 100.86 meters.

Nadagdagan naman ang water level ng Ambuklao, Binga, Pantabangan, at San Roque dam.

Habang nabawasan naman ang water level ng Magat at Caliraya dams.

TAGS: Angat Dam, dam, la mesa dam, Luzon, Pagasa, Angat Dam, dam, la mesa dam, Luzon, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.