10 arestado sa Independence Day rites sa Kawit, Cavite

By Rhommel Balasbas June 13, 2019 - 03:55 AM

Sampung miyembro ng mga militanteng grupo ang naaresto matapos magtangkang guluhin ang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite kahapon.

Ayon kay Kawit police chief Maj. Richard Corpuz, ang mga naarestong raliyista ay mula sa Anakbayan, Bayan Muna at Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno.

Naging magulo umano ang mga militante bago ang pagsisimula ng seremonya bandang alas-7:30 ng umaga.

Mayroon din umanong mga poster ang mga ito na kinokondena si Pangulong Rodrigo Duterte at ipinananawagan ang pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.

Dalawa sa mga naaresto ay dalawang menor de edad na agad ipinaubaya sa mga tauhan ng social welfare and development office.

 

TAGS: 10 arestado, Araw ng Kalayaan, cavite, Independence Day rites, Kawit, menor de edad, militante, poster, 10 arestado, Araw ng Kalayaan, cavite, Independence Day rites, Kawit, menor de edad, militante, poster

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.