South Korea at Pilipinas pag-uusapan ang reshipping ng basura ngayong araw

By Rhommel Balasbas June 13, 2019 - 02:24 AM

Nakatakdang magpulong ngayong araw ang ilang kinatawan ng gobyerno ng South Korea at Filipino officials mula sa pampubliko at pribadong sektor upang pag-usapan ang gagawing reshipping o pagbabalik sa South Korea ng mga basurang ipinadala sa Pilipinas.

Ayon kay Misamis Oriental Representative Juliette Uy, nakatakda ang pulong ngayong alas-10:00 ng umaga sa MICTSI Administration Building, MCT Compound sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Isa sa mga dadalo si Uy at imbitado rin ang mga kongresista mula sa Mindanao.

Nasa 5,000 tonelada ng basura mula South Korea ang nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng shipment na nakapangalan sa Verde Soko.

Nakatakdang dalhin ang mga basura sa PHIVIDEC Industrial Estate.

Napag-alaman ng House Committee on Good Government and Public Accountability at House Committee on Ecology na may pananagutan ang PHIVIDEC Industrial Estate sa importasyon ng basura mula sa South Korea.

Magugunitang mahigit 1,000 toneladang basura na iligal na ipinasok sa bansa ang ibinalik sa Canada, gayundin ay ibinalik ang 25,000 kilo ng electronic waste sa Hong Kong.

Dahil dito, ipinanukala ni Uy ang House Bill 9207 na layon ang total ban sa importasyon at eksportasyon ng mga basura.

 

TAGS: Basura, canada, Hong Kong, House Bill 9207, MICTSI, Misamis Oriental Representative Juliette Uy, PHIVIDEC Industrial Estate, Pilipinas, pulong, reshipping, south korea, total ban, Basura, canada, Hong Kong, House Bill 9207, MICTSI, Misamis Oriental Representative Juliette Uy, PHIVIDEC Industrial Estate, Pilipinas, pulong, reshipping, south korea, total ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.