Inisyal na resulta ng autopsy report sa mga labi ng namatay na OFW sa Kuwait, inilabas na
“No signs of force”
Ito ang lumabas sa inisyal na resulta ng isinagawang autopsy sa mga labi ng namatay ng overseas Filipino worker na si Ma. Constancia Dayag sa Kuwait.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kahit na may inisyal na report, kailangan pa rin ng karagdagang impormasyon mula sa forensic pathologist hinggil sa dahilan ng pagkamatay ng OFW.
Aniya, walang nakitang galos sa katawan ng Pinay worker.
Matatandaang hiniling ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa muli ng autopsy kay Dayag.
Nauna nang sinabi ni Bello na ang resulta ng autopsiya ang magiging basehan sa muling pagpapatupad ng deployment ban sa Kuwait. / Angellic Jordan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.