Araw ng Kalayaan dapat paghugutan ng lakas para maharap ang mga hamon ng bansa – VP Robredo

By Dona Dominguez-Cargullo June 12, 2019 - 09:27 AM

Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang publiko na pagkuhanan ng lakas ang paggunita sa Araw ng Kalayaan.

Ayon sa kaniyang mensahe ngayong Independence Day sinabi ni Robredo na paghugutan sana ng lakas ang araw na ito upang maharap ang hamon ng bansa.

Sinabi rin ni Robredo na dapat magsilbi itong paalala sa bawat isa sa kung ano ang kayang marating ng pagbabayanihan.

Binigyang pagpupugay din ng bise presidente ang mga sakripisyo ng mga bayani ng bansa na naging daan upang makamit ang kalayaan.

TAGS: Idependence Day, Leni Robredo, Radyo Inquirer, Idependence Day, Leni Robredo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.