Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-2:03, Miyerkules ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 22 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng General Luna.
May lalim itong 14 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity III sa mga bayan ng General Luna at Dapa.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.