Bilang ng mga stranded na pasahero, halos 7 libo pa rin

By Ruel Perez December 16, 2015 - 09:38 AM

stranded-passengersBahagya nang nabawasan pero nasa halos pitong libo pa rin ang bilang ng mga stranded na pasahero iba’t-ibang mga pantalan sa bansa.

Sa monitoring Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pantalan sa bansa, umaabot sa 6,917 ang mga pasaherong stranded, 58 mga barko, 73 motor bancas at 764 na mga rolling cargoes dahil sa bagyong Nona.

Pinakamaraming stranded na mga pasahero sa Southern Tagalog na may 2,367; 35 mga vessels; 49 na motor bancas at 393 na rolling cargoes.

Sumunod naman na nakapagtala ng pinakaraming stranded na pasahero sa Central Visayas na umabot sa 1,630 at 4 na rolling cargoes.

Sa Bicol naman, maryoong 1,077 na stranded na mga pasahero, 9 na barko, 3 motor bancas at 339 na rolling cargoes.

TAGS: stranded passengers, stranded passengers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.