Ilang kalsada sa Maynila isasara sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bukas

By Clarize Austria June 11, 2019 - 10:45 PM

File photo

Naglabas ng abiso ang Manila Police District (MPD) kaugnay sa pagsasara ng ilang kalsada sa lungsod bilang pagbibigay daan sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan bukas Miyerkules June 12.

Hindi madaraanan ng mga motorista simula alas 5:00 ng madaling araw ang north at southbound lane ng Roxas Blvd. mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Avenue.

Sarado rin ang parehas na north at southbound lane ng Roxas Blvd. Service Road mula TM Kalaw Avenue hanggang Pres. Quirino Avenue.

Samantala, magpapatupad din ng “No Truck Entry” simula alas 5:00 ng madaling araw sa Roxas Blvd. mula corner Pres. Quirino Avenue hanggan Katigbak Drive.

Gayundin din sa Bonifacio drive mula Anda Circle papuntang Katigbak Drive at pati na rin sa Pres. Quirino Avenue Extension sa may Plaza Dilao.

Pinaalalahanan naman ng pulisya ang mga motorista sa mga itinakdang alternatibong ruta.

Para sa mga motoristang daraan sa Bonifacio Drive sa may southbound lane ng Roxas Blvd. kaliwa sa P. Burgos, kanan sa Ma. Orosa, o dumeretso sa Finance Road.

Sa mga papuntang westbound ng Kalaw Ave. dumaan sa southbound lane of Roxas Blvd. at kumanan sa MH Del Pilar.

Sa daraan sa northbound lane of Roxas Blvd. ay kumanan Pres. Quirino.

Para sa mga trak at trailer trucks na babaybayin ang Bonifacio Drive na dadaan sa southbound lane ng Roxas Boulevard, umikot sa Anda Circle papuntang northbound ng R10 saka kumanan sa Capulong.

Sa dadaan sa northbound lane ng Roxas Blvd. ay kumanan Pres. Quirino Avenue.

Sa mga daraan sa Pres. Quirino Avenue Extension papuntang UN Avenue, dumeretso sa Pres. Quirino Avenue papuntang Nagtahan.

Ipinagbabawal rin ang pagpapalipad ng kahit anong drone sa bahagi ng Embahada ng Estados Unidos at lugar kung saan idaraos ang pagdiriwang.

 

 

TAGS: alternatibong ruta, Araw ng Kalayaan, closure, drone, Embahada ng Estado Unidos, Manila Police District, motorista, roxas boulevard, alternatibong ruta, Araw ng Kalayaan, closure, drone, Embahada ng Estado Unidos, Manila Police District, motorista, roxas boulevard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.