DOJ, dapat kasuhan ang mga sangkot sa Philhealth claims scam – Datol

By Erwin Aguilon June 11, 2019 - 08:42 PM

Hinikayat ni Senior Citizen Rep. Francisco Datol ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kaso ang opisyal at tauhan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na sangkot sa mga maanomalyang claims.

Ayon kay Datol, kasong economic sabotage through large-scale estafa ang dapat isampa sa bawat isang may kinalaman sa P154 bilyong fraud dialysis claims.

Paliwanag nito, maaring ang nabunyag na ang P154 bilyong scam ay tip of iceberg lamang at posibleng matagal nang nangyayari ang scam sa Philhealth claims.

Iginiit nito na dapat siguruhin ng DOJ na malakas ang kasong kriminal at sibil na isasampa sa mga sangkot dito upang matiyak na makukulong.

Nauna nang pinaiimbestigahan ni Datol ang eye surgery anomalies sa ahensiya.

Kasabwat ang ilang Philhealth officials, modus umano ng mga tiwaling doktor na kumumbinsi sa mga senior citizen na sumailalim sa operasyon sa mata kahit hindi naman kailangan para lamang makakulimbat ng pondo sa PhilHealth.

Naging sanhi ito ng pagkabulag ng ilang kawawang seniors.

TAGS: DOJ, PhiHealth, Rep. Francisco Datol, DOJ, PhiHealth, Rep. Francisco Datol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.